top of page

Mabigat na trapiko sa NLEX; northbound traffic umaabot hanggang Candaba Viaduct



PAMPANGA — Mas mabigat ang daloy ng trapiko sa northbound lanes ng North Luzon Expressway (NLEX) kumpara sa southbound ngayong Lunes, Agosto 31, ayon sa pamunuan ng NLEX.

Ayon kay NLEX Assistant Vice President for Traffic Operations Robin Ignacio, umaabot ang mabigat na trapiko sa northbound mula San Simon hanggang sa approach ng Candaba Viaduct.

Sa southbound direction naman, naitala ang mabigat na daloy ng mga sasakyan mula San Simon hanggang Kilometer 62.

Pinapayuhan ang mga motoristang dadaan sa naturang bahagi ng NLEX na maglaan ng karagdagang oras sa biyahe at patuloy na subaybayan ang mga traffic advisory para sa pinakahuling kondisyon ng expressway.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page