top of page

Mag-live-in partner arestado sa buy-bust sa Pulilan; hinihinalang shabu at baril nasamsam

Updated: Aug 15

PULILAN, Bulacan — Arestado ang mag-live-in partner sa isinagawang buy-bust operation ng Pulilan Municipal Police Station (MPS) bilang bahagi ng kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga.

Kinilala lamang ng pulisya ang mga suspek sa mga alyas na “Jessie” at “Ann.” Ayon sa Pulilan PNP, nakumpiska sa operasyon ang humigit-kumulang 5.78 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱39,304.

Narekober din umano mula sa operasyon ang isang caliber .38 revolver at mga bala.

Patuloy namang pinaigting ng Pulilan PNP ang mga operasyon laban sa ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad. Hinihikayat din nito ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga ilegal na aktibidad sa kanilang komunidad.

Ang mga naarestong suspek ay sasailalim sa kaukulang proseso ng imbestigasyon at pagsasampa ng mga naaangkop na kaso.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page