top of page

Magulang, Estudyante Nadismaya sa Huling Suspensyon ng Klase


San Juan City — Ilang magulang at estudyante ang nadismaya nang ihayag ang suspensyon ng klase noong Huwebes, ika-13 ng Agosto ng hapon. Marami na ang nakapasok sa paaralan at napilitang sugurin ang malakas na ulan pauwi sa kani-kaniyang tahanan.

Umasa ang mga magulang at estudyante na maagang suspindihin ang klase dahil sa magdamag na pag-ulan. Hapon lamang ito inanunsyo kaya nahirapan pa silang bumiyahe, gumastos ng pamasahe, at nabahala sa kalusugan ng mga bata. Binigyang-diin ni San Juan Mayor Francis Zamora na mahirap magdesisyon sapagkat nakabatay lamang sila sa weather forecasts.

Dagdag pa dito, inihayag ni Education Secretary Sonny Angara na tinatapos na ang isang bagong patakaran na magbibigay ng mas malinaw na batayan sa pagsuspinde ng klase upang maging maagap ang mga susunod na anunsyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page