top of page

Mahabang pila naitala sa ilang bahagi ng NLEX

Sep 25
1 min read

Naitala ang hanggang 1.8 kilometrong traffic buildup sa Mindanao Exit dahil sa dami ng mga sasakyan, batay sa traffic update alas-5:10 ng hapon ngayong Setyembre 25.

Sa Balintawak Toll Plaza, umabot sa humigit-kumulang 150 metro ang pila sa regular RFID lanes at 200 metro naman sa RFID installation lanes. Nasa 200 metro rin ang pila sa Mindanao Toll Plaza.

Sa Bocaue Toll Plaza, nasa 100 metro ang vehicle queue sa right-side portion. Samantala, magaan ang daloy ng trapiko sa San Simon, San Fernando at Mexico sa parehong direksyon.

Nasa 40–60 kph naman ang takbo ng mga sasakyan mula matapos ang NLEX Harbor Link Interchange hanggang Valenzuela Interchange northbound at walang naiulat na obstruction.

Sa southbound mula Shell Capaya patungong Mexico Interchange, cleared na ang lugar matapos ang naunang road crash at nasa 50–60 kph ang takbo ng mga sasakyan. Magaan din ang trapiko sa iba pang bahagi ng NLEX-SCTEX at NLEX Connector.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page