top of page

Mainit na sopas ipinamahagi sa mga tricycle driver sa Pulilan sa gitna ng malakas na ulan


PULILAN, Bulacan — Namahagi ng mainit na sopas sa mga tricycle driver na patuloy na namamasada sa kabila ng malakas at walang tigil na pag-ulan sa Pulilan ngayong Agosto 29.

Pinangunahan ang pamamahagi sa tulong ni Ate Dulce at ng AIC Volunteers bilang munting ayuda at pasasalamat sa mga tricycle driver na patuloy na naghahanapbuhay at nagseserbisyo sa mga pasahero sa gitna ng masamang panahon.

Nagpaabot naman si Vice Mayor Atty. Imee Cruz ng pagkilala sa sipag at tiyaga ng mga tricycle driver at pinaalalahanan silang mag-ingat sa pagbiyahe dahil sa basa at madudulas na kalsada.

Pinasalamatan din ni Cruz ang AIC Volunteers sa patuloy na pagtulong sa mga aktibidad na naglalayong makapaghatid ng agarang suporta sa mga Pulilenyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page