top of page

Marcos nilagdaan ang batas na nagpapaliban sa BSKE sa 2028

Sep 25
1 min read

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) hanggang 2028, ayon sa kumpirmasyon ng Malacañang ngayong Setyembre 25.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12326, itinakda ang susunod na regular BSKE sa Nobyembre 13, 2028. Pinalawig din ng bagong batas sa limang taon ang termino ng mga halal na barangay at Sangguniang Kabataan officials.

Dahil sa bagong batas, hindi na matutuloy ang BSKE na dating nakatakda sa Nobyembre 2, 2026. Ang naturang petsa ay itinakda sa ilalim ng naunang Republic Act No. 12232.

Ang paglagda sa RA 12326 ang pormal na nagbabago sa iskedyul ng susunod na barangay at SK elections at sa haba ng termino ng mga opisyal na saklaw nito.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page