top of page

Marcos pinalawak ang access ng COS at JO workers sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG


MANILA, Philippines — Naglabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Administrative Order No. 43 na naglalayong palawakin ang access ng mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers ng pamahalaan sa mga social protection program.

Sa ilalim ng kautusan, inaatasan ang mga ahensya ng pamahalaan na magkaroon ng mekanismo para sa boluntaryong deduction at remittance ng kontribusyon sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG Fund mula sa compensation ng mga sakop na COS at JO workers. Kinakailangan muna ang pahintulot ng manggagawa bago gawin ang anumang deduction.

Sakop ng kautusan ang national government agencies, government-owned or controlled corporations (GOCCs), at state universities and colleges (SUCs). Hinihikayat din ang mga local government unit (LGU) na magpatupad ng katulad na sistema para sa kanilang COS at JO workers.


Responsibilidad ng mga sakop na ahensya na direktang i-remit sa kaukulang institusyon ang mga kontribusyong ibinawas mula sa compensation ng mga manggagawa.

Inaatasan din ang mga ahensya na magbigay ng sapat na impormasyon sa kanilang COS at JO workers hinggil sa mga available na social protection coverage at benepisyong maaari nilang makuha.

Layunin ng kautusan na gawing mas accessible sa mga COS at JO workers ang mga programang nagbibigay ng social security, health insurance at iba pang proteksyong panlipunan kahit hindi sila regular na empleyado ng pamahalaan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page