top of page

Mas mataas na pamasahe sa jeep, bus epektibo sa Setyembre 28

Sep 27
1 min read

Inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtaas ng pamasahe sa ilang public utility vehicles (PUVs), na magsisimulang ipatupad sa Lunes, Setyembre 28.

Sa bagong fare rates, tataas mula ₱13 patungong ₱14 ang minimum fare sa traditional jeepney para sa unang apat na kilometro, habang magiging ₱2 ang dagdag sa bawat susunod na kilometro. Sa modern jeepney, tataas naman mula ₱15 patungong ₱17 ang minimum fare, at ₱2.40 ang dagdag kada succeeding kilometer.

Para sa mga bus sa Metro Manila, tataas mula ₱15 patungong ₱18 ang minimum fare sa air-conditioned buses, habang mula ₱13 ay magiging ₱15 naman sa ordinary buses. Ang provincial bus fare ay tataas mula ₱11 patungong ₱12, habang magkakaroon ng 15% increase sa kasalukuyang pamasahe ng point-to-point buses.

Tataas din mula ₱75 patungong ₱115 ang airport taxi fare para sa unang limang kilometro. Sa Transport Network Vehicle Services (TNVS), magiging ₱65 ang base fare sa sedan, ₱75 sa AUV/SUV, ₱55 sa hatchback at ₱165 sa premium vehicles.

Mananatili ang mandatory 20% fare discount para sa mga estudyante, senior citizens at persons with disabilities. Inatasan din ang mga PUV operator na maglagay muna ng bagong fare matrix sa kanilang mga sasakyan bago maningil ng updated na pamasahe.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page