top of page

Media Training on Live Reporting Isinagawa sa Pulilan, Bulacan


PULILAN, BULACAN — Matagumpay na isinagawa ang isang Media Training on Live Reporting noong Sabado, Mayo 16, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi, sa VM AIC Headquarters na matatagpuan sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan.


Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Salin-lente, na aktibong nakibahagi sa buong araw na pagsasanay upang mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa larangan ng live reporting at media broadcasting.


Naging tagapagturo sa nasabing aktibidad si Heiri del Rosario, na nagbahagi ng mahahalagang teknik at tamang proseso sa pagsasagawa ng live reporting. Kabilang sa mga tinalakay ang wastong paghahatid ng balita, tamang pagsasalita sa harap ng kamera, tamang postura, at kahalagahan ng pagiging handa at responsable bilang isang media practitioner.


Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng programa ni Atty. Imee Cruz, na naglalayong magbigay ng oportunidad sa mga miyembro at kabataan na matuto at magkaroon ng karanasan sa larangan ng media at komunikasyon.


Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kalahok sa naging matagumpay na training, na anila’y malaking tulong upang mas mapaunlad ang kanilang kakayahan at kumpiyansa sa live reporting.


Patuloy namang inaasahan ang mas marami pang programang pang-edukasyon at media training na makatutulong sa pagpapaunlad ng talento at kaalaman ng komunidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page