top of page

Meralco nag-alok ng 290 job vacancies sa Pulilan

Oct 7
1 min read


PULILAN, Bulacan — Umabot sa 290 bakanteng trabaho sa iba’t ibang posisyon ang inilabas ng Meralco para sa mga aplikante sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) Pulilan.

Pinakamaraming bakante ang para sa Line Crew na may 120 slots, kasunod ang Business and Data Analysts na may 35, CRS Staff para sa Meter Data/Billing Operations and Analytics na may 24, Utility Technician na may 21, at Equipment Operator na may 17.

May mga oportunidad din para sa Registered Electrical Engineer, CRS Staff, Utility Analyst, Inspector, Internal Auditor, Field Representative, Permit Coordinator, Accounting Staff, Supply Chain Engineer, Design Engineer, Project Manager, Marketing Associate, Organization Support Staff at Facilities Engineer.

Maaaring magsumite ang mga interesadong aplikante ng resume na naka-PDF format sa peso.dole.pulilan@gmail.com. Kailangang ilagay sa email subject ang posisyong ina-applyan at pangalan ng kumpanya, habang ang buong pangalan ng aplikante ang gagamiting filename ng resume.

Maaari ring magtungo ang mga aplikante sa PESO Pulilan sa Old PUP Building, National Road, Poblacion, Pulilan, Bulacan para sa karagdagang impormasyon hinggil sa mga bakanteng posisyon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page