top of page

MERALCO nag-donate ng computer units sa Bulacan Police Provincial Office


BULACAN — Nakatanggap ng mga computer unit ang Bulacan Police Provincial Office (PPO) mula sa Manila Electric Company (MERALCO) bilang suporta sa pagpapahusay ng administrative at operational capabilities ng kapulisan.

Tinanggap ni PCOL Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, ang donasyon mula sa MERALCO na kinatawan ni Marco Polo Pablo, Lead ng North Area Corporate Security Management.

Ayon sa Bulacan PPO, gagamitin ang mga computer unit upang makatulong sa pagpapabilis ng administrative processes, operational activities, at iba pang serbisyong ibinibigay ng tanggapan sa publiko.

Nagpasalamat naman si Baybayan sa MERALCO sa donasyon at patuloy na pakikipagtulungan sa kapulisan. Binigyang-diin din niya ang papel ng public-private partnerships sa pagpapalakas ng mas episyente at technology-driven na police service.

Bahagi ang turnover ng patuloy na koordinasyon ng Bulacan PPO at MERALCO sa mga programang naglalayong mapahusay ang serbisyo at public safety sa lalawigan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page