top of page

MERALCO nagtaas ng singil ngayong Hunyo


MANILA — Inanunsyo ng Manila Electric Company na tataas ng ₱0.3428 kada kilowatt-hour (kWh) ang singil sa kuryente ngayong Hulyo.


Dahil dito, inaasahang madaragdagan ang buwanang bayarin ng mga konsyumer. Tinatayang tataas ng humigit-kumulang ₱68 ang bayarin ng mga gumagamit ng 200 kWh, ₱102 para sa 300 kWh, ₱136 para sa 400 kWh, at ₱170 para sa 500 kWh.


Ayon sa Meralco, pangunahing dahilan ng pagtaas ng singil ang mas mataas na generation charge bunsod ng pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang pinagkukunan ng enerhiya. Nakaapekto rin ang pansamantalang maintenance ng Malampaya natural gas facility, na dahilan upang gumamit ang ilang planta ng mas mahal na liquefied natural gas (LNG).


Dagdag pa rito, tumaas din ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), pati na ang transmission charges, iba pang singilin, at mga buwis na ipinapataw sa kuryente.


Pinapayuhan ng Meralco ang mga konsyumer na magtipid sa paggamit ng kuryente upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng singil sa kanilang buwanang bayarin.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page