top of page

Mga batang Pulilenyo, nagtagisan ng talino bilang bahagi ng Buwan ng Wika 2026


PULILAN, Bulacan — Ipinamalas ng mga batang Pulilenyo ang kanilang kaalaman at husay sa Tagisan ng Talino na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa bayan ng Pulilan.

Pinangunahan ng Municipal Tourism Office ang patimpalak na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang elementary school sa bayan. Nakiisa rin si Vice Mayor Atty. Imee Cruz upang magbigay ng mensahe at suporta sa mga batang kalahok.

Itinanghal na Unang Gantimpala si Keifer Martin Cruz ng Rufino Cruz Memorial Elementary School. Nakamit naman ni Vince Lyle Ignacio ng Segundo Esguerra Sr. Memorial Elementary School ang Ikalawang Gantimpala, habang Ikatlong Gantimpala si Hannah Lorraine C. Rivera ng Marciano Del Rosario Memorial Elementary School.

Bukod sa pagkilala sa mga nagwagi, binigyang-pugay rin ang lahat ng mag-aaral na buong husay na nakiisa sa kompetisyon.

Layunin ng aktibidad na patuloy na mahasa ang kaalaman at kakayahan ng mga kabataang Pulilenyo habang pinalalalim ang kanilang pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page