top of page

Mga gusali ng Bulacan sumailalim sa joint infrastructure audit

Sep 11
1 min read

BULACAN — Nagsagawa ng joint infrastructure audit inspection ang DILG Bulacan Local Government Support Fund (LGSF/LFP) Team, katuwang ang Project Development and Management Unit (PDMU), Local Infrastructure Learning Hub (LILHub) partners at Provincial Engineering Office (PEO), sa ilang gusaling pagmamay-ari ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Kabilang sa mga pasilidad na ininspeksyon ang Bulacan Medical Center at Bulacan Polytechnic College bilang bahagi ng pagsusuri sa kondisyon at dokumentasyon ng mga imprastraktura ng lalawigan.

Kasabay ng inspeksyon, isinagawa rin ang pilot testing ng bagong Local Infrastructure Audit Application (LIAA), na gumagamit ng photo-based analysis bilang suporta sa infrastructure assessment at documentation.

Layunin ng paggamit ng bagong application na gawing mas episyente at tumpak ang infrastructure audits, mapahusay ang monitoring at evaluation, at magkaroon ng mas sistematikong paraan ng pagtukoy at pagtatala ng mga findings sa mga proyekto at pasilidad.

Inaasahang makatutulong ang pilot testing upang masuri ang aktuwal na paggamit ng LIAA bago ito gamitin sa mas malawak na infrastructure monitoring at assessment.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page