top of page

Mga kawani ng Pulilan sumailalim sa Events Management Training

Sep 10
1 min read

PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ang Public Affairs and Information Office (PAIO) ng Events Management Training ngayong Setyembre 10 para sa mga kawani mula sa iba't ibang departamento ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan.

Nakatuon ang pagsasanay sa pagpapalawak ng kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa event management, risk management at professionalism bilang paghahanda sa mas maayos na pagpapatupad ng mga programa at aktibidad ng kani-kanilang tanggapan.

Tinalakay din sa training ang paggawa ng gender-sensitive Information, Education and Communication (IEC) materials upang matiyak na inklusibo at angkop ang mga impormasyong inilalabas kaugnay ng mga programa ng lokal na pamahalaan.

Bahagi ang pagsasanay ng patuloy na capacity-building para sa mga kawani upang mapahusay ang pagpaplano, koordinasyon at pagpapatupad ng mga programa at serbisyong inihahatid sa mga Pulilenyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page