top of page

Mga miyembro ng TODA sa Pulilan, tumanggap ng tig-10 kilong bigas


PULILAN, Bulacan — Namahagi ng tig-10 kilong bigas sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) sa Pulilan sa ilalim ng Rice Distribution Program ng pamahalaang nasyonal na pinondohan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF).

Pinangunahan ni Mayor RJ Peralta, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang pagpapatupad ng programa sa bayan, kung saan napiling benepisyaryo ang sektor ng transportasyon, partikular ang mga tricycle operator at driver.

Layunin ng programa na makapagbigay ng karagdagang suporta sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryo at kanilang mga pamilya, lalo na sa gitna ng mataas na presyo ng produktong petrolyo at iba pang pangunahing bilihin.

Nagpasalamat naman ang mga lokal na opisyal sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa programang inaasahang makatutulong sa mga manggagawa sa sektor ng transportasyon at iba pang sektor na nangangailangan ng suporta.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page