top of page

Mga Pahayag ng Pagbabanta, Tinalakay sa Impeachment Hearing ni Sara Duterte sa Senado


Video Courtesy: House of Representatives Youtube Channel

MAYNILA — Sa ikawalong araw ng impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte, nakarinig ang mga senador ng mga alegasyon na hindi lamang tungkol sa mga pagbabanta kundi pati na rin sa isang umano'y planong pagpatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.


Sinabi ni Atty. Melvin Matibag, ang usapin ay hindi lamang simpleng pagbabanta kundi isang seryosong sabwatan na maaaring maglagay sa panganib ang Pangulo. Sinabi rin niya na mayroon nang "person of interest" ang mga imbestigador na maaaring makatulong sa pagtukoy sa umano'y "hitman" na sinasabing nakausap ni Duterte.


Dagdag pa ni Matibag, ang mga tema ng pahayag ni Duterte noong Oktubre 2024 ay tila katulad ng mga sinabi ni Mayor Baste Duterte sa paglulunsad ng Rage Coalition. Nasabi pa na gustong tanggalin ang ulo ng pangulo.


Sa pagdinig, ipinakita rin ang isang video kung saan umano'y sinuntok ni VP Sara Duterte ang isang sheriff noong 2011, noong siya ay mayor pa ng Davao City.


Pinahintulutan din sa paglilitis ang pagbasa sa testimonya ni Arturo Lascañas, bagay na tinutulan ng panig ng depensa. Batay sa mga inilahad sa pagdinig, sinabing may mas malawak na epekto ang mga umano'y pagbabantang ito dahil ang mga nasabing pahayag ay maaaring humikayat sa iba, magdulot ng kaguluhan, at maglagay sa Pangulo at sa publiko sa mas mataas na panganib.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page