top of page

Mga pamilyang apektado ng baha, sirang riprap sa Pulilan nakatanggap ng mainit na sopas


PULILAN, Bulacan — Namahagi ng mainit na sopas sa mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center sa Barangay Poblacion, Tibag at Cutcot dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha sa Pulilan.

Isinagawa ang pamamahagi kasama ang AIC Volunteers bilang agarang tulong sa mga residenteng napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa epekto ng masamang panahon.

Sa evacuation center sa Barangay Cutcot, kabilang sa mga pansamantalang nanunuluyan ang mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha, gayundin ang mga residenteng lumikas dahil sa nasirang riprap sa lugar.

Patuloy naman ang panawagan para sa pagtutulungan at pag-iingat habang nananatili ang banta ng pag-ulan at pagbaha, upang matiyak ang kaligtasan ng mga apektadong pamilya hanggang sa maging ligtas ang kanilang pagbabalik sa kani-kanilang tahanan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page