top of page

Mga residente ng Hagonoy nagprotesta sa gitna ng baha

Sep 20
1 min read

HAGONOY, Bulacan — Sa kabila ng abot-binting baha dulot ng high tide, ipinagpatuloy ng ilang residente ng Hagonoy ang kanilang pagkilos nitong Linggo, Setyembre 20, upang ipanawagan ang aksyon sa patuloy na problema sa pagbaha sa kanilang lugar.

Kasabay nito, nagpahayag din ang mga kalahok ng kanilang pagtutol sa korapsiyon at nanawagan ng pananagutan kaugnay ng mga suliraning kinakaharap ng kanilang komunidad.

Isinagawa ang protesta habang nakalubog sa baha ang ilang bahagi ng lugar, na ginawang bahagi ng mga residente ng kanilang pagpapahayag tungkol sa epekto ng matagal at paulit-ulit na pagbaha sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page