top of page

Municipal Athletic Meet 2026 binuksan sa Pulilan

Oct 10
1 min read

PULILAN, Bulacan — Pormal na sinimulan ang Municipal Athletic Meet 2026 sa pamamagitan ng opening program na ginanap ngayong Oktubre 10 sa Engr. Virgilio V. Dionisio Memorial High School sa Pulilan, Bulacan.

Dinaluhan ang programa ng mga student-athlete at kinatawan mula sa anim na paaralan sa bayan, kabilang ang Sta. Peregrina High School, Gloria Esguerra T.S. Pereña National High School, Engr. Virgilio V. Dionisio Memorial High School, Bajet-Castillo High School, Inaon Integrated School, at Dulong Malabon Integrated School.

Layunin ng taunang paligsahang pampalakasan na mabigyan ng pagkakataon ang mga batang atleta na maipamalas ang kanilang kakayahan sa iba't ibang larangan ng sports.

Bukod sa kompetisyon, binibigyang-diin din ng Municipal Athletic Meet ang kahalagahan ng disiplina, pagtutulungan, determinasyon at sportsmanship sa mga kabataang atleta.

Ang isinagawang opening program ay nagsilbing hudyat ng pagsisimula ng mga aktibidad para sa Municipal Athletic Meet 2026.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page