top of page

Municipal Nutrition Committee, nagsagawa ng ikalawang quarter meeting sa Pulilan


PULILAN, Bulacan — Isinagawa ngayong Hulyo 9 ang 2nd Quarter Municipal Nutrition Committee (MNC) Meeting sa Aurelio Plamenco Hall ng Munisipyo ng Pulilan upang talakayin ang mga programa at inisyatiba para sa pagpapabuti ng nutrisyon at kalusugan ng mga residente.


Dinaluhan ang pagpupulong ng mga miyembro ng Municipal Nutrition Committee at mga kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan.


Sa isinagawang pulong, tinalakay ang mga kasalukuyang programa, plano, at iba pang hakbang na naglalayong higit pang mapalakas ang pagpapatupad ng mga serbisyong pangnutrisyon at pangkalusugan sa iba't ibang komunidad sa bayan.


Bahagi ang regular na pagpupulong ng Municipal Nutrition Committee sa patuloy na koordinasyon ng mga lokal na tanggapan upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon ng bawat Pulilenyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page