top of page

NLEX San Simon lane pansamantalang isasara para sa dredging

Sep 30
1 min read

PAMPANGA — Pansamantalang isasara ang rightmost lane o Lane 3 ng bahagi ng NLEX San Simon northbound upang bigyang-daan ang isasagawang dredging works.

Ayon sa motorist advisory ng NLEX, sakop ng pagsasara ang bahagi mula bago ang Pau Bridge hanggang Sto. Tomas Bridge northbound, KM 59+500 hanggang KM 61+000.

Isasagawa ang dredging works araw-araw mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 6, mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaraan sa naturang bahagi ng NLEX na mag-ingat, sumunod sa traffic signs at maglaan ng karagdagang oras sa kanilang biyahe habang nagpapatuloy ang mga gawain.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page