top of page

NLEX traffic bumagal sa Valenzuela; takbo nasa 5–10 kph

Sep 7
1 min read

VALENZUELA CITY — Mabagal ang daloy ng trapiko sa NLEX Southbound mula Lawang Bato hanggang Mapulang Lupa, Valenzuela ngayong umaga, Setyembre 7, dahil sa isang truck na naunang tumirik sa lugar.

Batay sa road and traffic condition alas-8:15 ng umaga, nasa 5 hanggang 10 kilometers per hour (km/h) lamang ang tinatayang running speed ng mga sasakyan sa naturang bahagi ng expressway.

Naunang humarang sa Lane 4 sa Valenzuela ang tumirik na truck, na nakaapekto sa daloy ng mga sasakyang patungong southbound.

Samantala, magaan ang daloy ng trapiko sa Candaba Viaduct, Tulaoc area sa San Simon, at San Simon Interchange.

Pinapayuhan ang mga motorista na maglaan ng karagdagang oras sa kanilang biyahe at bantayan ang mga susunod na traffic update sa NLEX.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page