top of page

Nobyembre 16–18 idineklarang special non-working days sa NCR

Sep 23
1 min read

Idineklara ang Nobyembre 16 hanggang 18, 2026 bilang special non-working days sa buong National Capital Region (NCR) kaugnay ng pagho-host ng Pilipinas sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Nakasaad ang deklarasyon sa Proclamation No. 1447, na nilagdaan noong Setyembre 17 ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto, sa awtoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sakop nito ang Lunes, Nobyembre 16, hanggang Miyerkules, Nobyembre 18. Ayon sa proklamasyon, layunin ng tatlong araw na special non-working days na makatulong sa pagbawas ng pagsisikip ng trapiko at sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan at seguridad ng mga kalahok sa summit.

Gaganapin sa Metro Manila ang 49th ASEAN Summit and Related Summits bilang bahagi ng pagho-host ng Pilipinas sa mga pagpupulong ng ASEAN ngayong 2026.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page