top of page

Novino, yumuko kay Rakhbay; nasungkit ang pilak


Philippine Sports Commission
Philippine Sports Commission

Pinay rookie Sophia Nicole Novino ay bigong maiuwi ang gintong medalya matapos ang matinding bakbakan laban kay Kazakhstan's Karakat Rakhbay sa finals ng Women's Youth -47-kilogram division ng 11th Asia-Oceania Sambo Championships ngayong araw, ika-26 ng Hunyo, sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.


Sa kabila ng pagiging unang international major sambo tournament ni Novino, ipinakita niya ang kanyang husay at determinasyon. Naitabla pa niya ang iskor sa 1–1, ngunit muling nakabawi si Rakhbay.


Hindi nagpahuli ang back-to-back international silver medalist na si Rakhbay. Sa pamamagitan ng iba't ibang estratehiya, nagawa niyang maisahan si Novino gamit ang armbar. Nakalusot pa si Novino sa unang pagtatangka, ngunit muli siyang naipit ni Rakhbay, na tuluyang nakakuha ng panalo may 20 segundo pang natitira sa laban.


Bagama't hindi nasungkit ang ginto, ipinagmamalaki pa rin ni Novino ang kanyang pilak na medalya, gayundin ang mga aral at karanasang nakuha niya sa kanyang unang international tournament.


"Alam ko naman na marami pa akong ma-i-improve," ani Novino.


"Big learnings din ito for upcoming tournaments," dagdag pa niya.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page