top of page

ONIC PH NILAMPASO, NG TEAM LIQUID PH; 2-0


Tuloy padin ang GOLDEN RIVALRY ng TLPH at ONIC PH. Sa unang laro pa lang, binaliktad agad ng TLPH ang ONIC PH pagbalik ng TLPH sa 3k gold lead ng ONIC. Sa ikalawang laban, tuluyang nilampaso ng CALVARY ang ONIC upang makuha ang 2-0 sweep noong Abril 20.

‎Sa unang yugto pa lang ng unang sagupaan, tinambakan agad ng ONIC ang CALVARY. Sa gitna ng digmaan, natambakan agad ng 2.5k gold ang CALVARY.

‎Pagdating ng late game, nakabawi ang CALVARY dahil na rin sa magandang naging tapatan. Nabawi nila ang kalamangan at nakuha ang unang panalo.

‎Pumunta naman tayo sa ikalawang enkwentro. Nagwala ang mga tagahanga ng TLPH dahil agad nilang nakuha ang kalamangan sa unang bahagi ng balagabagan.

‎Dumako naman tayo sa gitna at sa huling bahagi ng sagupaan. Sa pagpatak ng gitnang labanan, umabot sa 6k ang lamang ng TLPH. Pagpasok ng huling bahagi ng digmaan, lalong lumawak ang lamang, kaya't nakuha na rin ng TLPH ang panalo, 2-0 lampaso ang ONIC.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page