top of page

Oplan Sita inilatag kontra ‘Digmaan’ sa Pulilan-Baliwag Bypass Road

Oct 3
1 min read

PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng Oplan Sita ang Pulilan Municipal Police Station nitong Biyernes ng gabi sa kahabaan ng Pulilan-Baliwag Bypass Road sa Barangay Sta. Peregrina bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na motorcycle drag racing o tinatawag na “Digmaan.”

Pinangunahan ni PLTCOL Eric C. Cister, Chief of Police ng Pulilan, ang operasyon katuwang ang mga barangay tanod at iba pang force multipliers.

Nakatuon ang operasyon sa pagpigil sa ilegal na karera ng motorsiklo at iba pang paglabag sa batas-trapiko, kabilang ang paggamit ng ilegal at maiingay na tambutso.

Ayon kay Cister, paiigtingin ng Pulilan PNP ang pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa at batas, habang ang mga mahuhuling lumalabag ay maaaring patawan ng kaukulang multa, impoundment at iba pang parusa.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page