top of page

ORANGE Rainfall Warning itinaas sa Bulacan; pagbaha, pagguho ng lupa posible

BULACAN — Isinailalim sa ORANGE Rainfall Warning ang Bulacan kasama ang Zambales, Tarlac, Bataan, at Pampanga ngayong Agosto 28, batay sa Heavy Rainfall Warning na inilabas alas-5:08 ng umaga.

Sa ilalim ng Orange Rainfall Warning, nagbabanta ang matinding pag-ulan at may posibilidad ng pagbaha, partikular sa mga mabababang lugar at malapit sa mga daluyan ng tubig.

May banta rin ng pagguho ng lupa sa mga bulubundukin, matataas, at landslide-prone na lugar dahil sa patuloy na pag-ulan.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na manatiling alerto, bantayan ang kondisyon sa kanilang komunidad, at sumunod sa mga abiso ng mga lokal na awtoridad at disaster response offices.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page