top of page

Our Lady of Mercy General Hospital ipinagdiwang ang ika-26 anibersaryo

Sep 9
1 min read

PULILAN, Bulacan — Ipinagdiwang ng Our Lady of Mercy General Hospital Inc. (OLMGH) sa Barangay Longos ang ika-26 nitong founding anniversary sa temang “Continuing the Mission of Mercy, Serving with Excellence.”

Nakiisa sa pagdiriwang si Vice Mayor Atty. Imee Cruz, kasama ang mga doktor, nurses, medical staff, employees at iba pang bahagi ng OLMGH community.

Binigyang-pagkilala sa okasyon ang patuloy na serbisyo ng mga healthcare workers at personnel ng ospital sa pangangalaga sa kalusugan ng mga residente at mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.

Nagsilbi rin ang anibersaryo bilang paggunita sa mahigit dalawang dekada ng operasyon ng OLMGH at pagpapatuloy ng misyon nitong maghatid ng serbisyong medikal sa komunidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page