top of page

PAGASA: Bulacan posibleng makaranas ng hanggang 100 mm na ulan sa Miyerkules

Sep 7
1 min read

Posibleng makaranas ang Bulacan ng 50 hanggang 100 millimeters (mm) na pag-ulan mula Miyerkules ng tanghali, Setyembre 9, hanggang Huwebes ng tanghali, Setyembre 10, dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Batay sa Weather Advisory No. 63 ng PAGASA na inilabas alas-11:00 ng umaga ngayong Setyembre 7, kabilang din sa inaasahang makaranas ng 50–100 mm na ulan sa nasabing panahon ang Aurora, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon at ilang bahagi ng MIMAROPA at Bicol Region. Mas mataas na 100–200 mm naman ang inaasahan sa Occidental Mindoro.

Mula ngayong araw hanggang Lunes ng tanghali, 50–100 mm na ulan ang inaasahan sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro at Antique. Sa Lunes ng tanghali hanggang Miyerkules ng tanghali, kabilang naman ang Pampanga sa mga lugar na posibleng makatanggap ng 50–100 mm na ulan.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring mas mataas ang aktuwal na rainfall accumulation sa mga bulubundukin at matataas na lugar. Maaari ring lumala ang epekto ng pag-ulan sa mga lugar na nakaranas na ng malaking dami ng ulan nitong mga nakaraang araw.

Nilinaw din na ang Weather Advisory ay nagbibigay ng mas malawak na rainfall outlook sa provincial level, habang ang Heavy Rainfall Warning ng mga PAGASA Regional Services Division ang nagbibigay ng mas agarang forecast hanggang municipal level at dapat bantayan para sa mga desisyong may kaugnayan sa kasalukuyang banta ng malakas na ulan at pagbaha.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page