top of page

Pagpapalalim ng kaalaman sa Mobile Photography, idinaos sa Pulilan


PULILAN, Bulacan — Kasalukuyang isinasagawa ang Mobile Photography Workshop na tinataguyod ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz sa AIC Headquarters, Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan, bilang bahagi ng pagsusulong ng pagkamalikhain at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga kabataang Pulileño sa larangan ng mobile photography nitong ika-25 ng Hulyo.


Humigit-kumulang 24 na mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan sa Pulilan ang aktibong nakiisa sa naturang pagsasanay. Kabilang sa mga lumahok ang mga mag-aaral mula sa Gloria Esguerra T.S. Pereña National High School (GETSPNHS), Bajet-Castillo High School, St. Dominic Academy Inc., Sta. Peregrina High School, Academia de Pulilan, at Engr. Virgilio V. Dionisio Memorial High School.


Layunin ng workshop na palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataan sa paggamit ng mobile phone bilang kasangkapan sa malikhaing pagkuha ng larawan. Bukod sa paglinang ng kanilang talento, hinihikayat din ang mga kalahok na gamitin ang potograpiya bilang isang paraan ng pagpapahayag, pagkukuwento, at pagpapakita ng kagandahan at kultura ng kanilang komunidad.


Patuloy namang ipinakikita ng programang ito ang suporta ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz sa pagpapaunlad ng kakayahan ng kabataang Pulileño sa pamamagitan ng mga makabuluhang pagsasanay at programang nagbibigay-inspirasyon sa kanilang pagkamalikhain at personal na pag-unlad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page