top of page

Pagpapalawak ng MTRCB sa streaming platforms isinusulong

Sep 22
1 min read

Isinusulong sa Kamara ang pagpapalawak ng mandato ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) upang masaklaw ang online streaming platforms at subscription video-on-demand services tulad ng Netflix, kasunod ng pagbabago sa paraan ng panonood ng mga Pilipino.

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta sa modernisasyon ng mandato ng ahensya sina Leyte 2nd District Rep. Lolita Javier at PHILRECA Party-list Rep. Presley de Jesus. Tinalakay ang usapin kasabay ng deliberasyon sa panukalang ₱197.89-milyong budget ng MTRCB para sa 2027.

Isa sa mga binigyang-diin sa deliberasyon ang pangangailangang maiangkop ang regulasyon sa kasalukuyang media landscape, kung saan hindi na lamang telebisyon at sinehan ang pinagmumulan ng entertainment content ng publiko. Kabilang sa mga binabanggit na konsiderasyon ang proteksyon ng mga manonood, partikular ng mga bata, at responsible viewing.

Sa kasalukuyan, hindi pa saklaw ng umiiral na mandato ng MTRCB ang streaming services sa paraang saklaw nito ang pelikula at telebisyon. Nakabatay ang kapangyarihan ng ahensya sa Presidential Decree No. 1986, kaya mangangailangan ng aksyon ng Kongreso upang pormal na mapalawak ang saklaw nito.

Nilinaw naman ni MTRCB Chairperson Lala Sotto na kung mapalawak ang mandato ng ahensya, hindi nangangahulugang kailangang isa-isang i-review ang lahat ng pelikula sa streaming platforms. Kabilang sa kanilang nakikitang mekanismo ang pagkakaroon ng epektibong feedback at accountability system para sa mga reklamo ng mga manonood.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page