top of page

Pagwawakas ng Isang Ginintuang Paglalakbay: Viktor Axelsen, Nagretiro na?


Viktor Axelsen at 2010 Dutch Open By Nardisoero - Own work, CC BY-SA 4.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=77952847
Viktor Axelsen at 2010 Dutch Open By Nardisoero - Own work, CC BY-SA 4.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=77952847

Si Viktor Axelsen, isang beteranong manlalaro ng Denmark sa larangan ng isports na badminton, ay tuluyan nang nagtapos sa kanyang walang humpay na pagpalo sa Badminton World Federation o BWF. Nitong ika-15 ng Abril 2026, ibinalita ang pagreretiro ni Viktor Axelsen dahil sa napapadalas na pananakit ng kaniyang likod kahit sumasailalim na ito sa iba't ibang gamutan.


Nagsimula ang kanyang kuwento noong taong 2010.  Viktor Axelsen isang two-time Olympic Champion, two-time World Champion, at four-time European Champion.  Si Axelsen din ang humawak ng No. 1 sa World Ranking sa Men's Singles ng BWF, para sa kabuuang 183 na linggo, kasunod sina Lee Chong Wie (398) at si Lin Dan (211).


Nanalo rin si Axelsen sa World Championship noong 2017 at 2022, na naging makasaysayang taon para sa bansang Denmark dahil siya ang nag-iisang Non-Asian male player bukod kay Thomas Lund, na nagkamit ng  titulo hindi lamang isang beses, kundi makadalawang beses niya itong nakamit.  Si Axelsen din ang Back-To-Back Reigning Olympic Champion, sa paghahakot ng gintong medalya sa men's singles sa 2020 Tokyo Olympics at sa 2024 Paris Olympics pagkatapos ng kaniyang bronze medal noong 2016 sa Rio Olympics. Ito ang naging pinakamataas na nagtagumpay na badminton men's singles player sa Olympic history at si Axelsen din ang  tinaguriang Most Decorated badminton player in history.


Si Axelsen din ang naging liwanag sa Denmark Team upang ipanalo ang lahat ng European Mixed Team Championships simula taong 2015 at sa lahat ng European Men's Team Championships mula taong 2012. Nakamit din niya ang 2012 World Junior Championships, at ito ang naging dahilan upang makilala siya bilang Non-Asian singles player na nanalo ng titulo.


Ipinanalo niya ang bawat pangunahing titulo; maging sa Team Matches o Singles man, wala siyang pinalampas na pagkakataon. Isa na rito ang World Tour Super 1000 Level or higher. Sa kanyang Career Record, ang mga panalong laban niya ay umabot sa 572 at sa talong laban niya na 160, makikita mo kung gaano siya ka-determinado sa bawat laban na kaniyang kinahaharap.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page