top of page

Pakikibaka sa pasada.


Ala sais pa lang ng umaga, gumugulong na ang dyip sa kalsada. Ngunit kasabay ng bawat biyahe nito, patuloy na bumibigat ang presyo ng gasolina. Sa ganitong sitwasyon, hindi maiiwasang itanong: hanggang kailan kakayanin ng mga tsuper ang araw-araw na pasada kung ang kita ay nauubos na lamang sa gastusin?


Sa loob ng mahabang panahon, ang dyip ay naging pangunahing transportasyon ng bawat Pilipino dahil sa abot-kayang pamasahe. Ngunit sa kasalukuyang panahon, kung saan sunod-sunod ang problema sa transportasyon at patuloy ang pagtaas ng presyo ng gasolina, unti-unting napipilitan ang ilang tsuper na humanap ng ibang mapagkakakitaan o isaalang-alang ang pagbitaw sa kanilang hanapbuhay.


Ayon sa pahayag ng Inquirer, matapos ang humigit-kumulang 15 oras na pamamasada, umaabot lamang sa ₱200 hanggang ₱300 ang kanilang kinikita. Malayo ito sa higit ₱3,000 na gastos sa gasolina pa lamang, kaya’t kadalasan ay kulang na kulang ito upang masuportahan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.


Isa rin sa mga naapektuhan ay ang mga pasahero, lalo na ang mga mag-aaral, na kailangang i-badyet ang kanilang baon na ₱50 hanggang ₱100 sa araw-araw upang pagkasyahin sa pamasahe, pagkain, at mga pangangailangan sa paaralan.


Kung ayaw nating maging kuwento na lamang ang dyip sa susunod na henerasyon, kinakailangan ng maagap na solusyon tulad ng regulasyon sa presyo ng gasolina, makatarungang pamasahe, at karagdagang tulong para sa mga drayber.


Sa huli, hindi lamang simpleng biyahe ang ginagampanan ng mga tsuper—kundi isang araw-araw na pakikipagsapalaran sa kalsada habang patuloy na tumataas ang gastusin sa buhay.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page