top of page

Pamamaril sa Banga National High School, iniimbestigahan

Sep 18
1 min read

BANGA, South Cotabato — Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pamamaril sa Banga National High School nitong Biyernes, Setyembre 18, na nagresulta sa pagkamatay at pagkasugat ng ilang estudyante.

Magkakaiba pa ang bilang ng mga biktimang inilalabas ng mga ahensya. Sa isang naunang ulat, dalawang nasawi at pito ang sugatan, habang kalaunan ay sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na anim na estudyante ang nasawi at 17 ang sugatan.

Agad namang sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa bayan ng Banga kasunod ng insidente. Nakikipag-ugnayan ang Department of Education (DepEd) sa Schools Division Office, Regional Office, lokal na pamahalaan at law enforcement agencies upang beripikahin ang mga detalye at matulungan ang mga apektado.

Nakahanda rin ang DepEd at DSWD na magbigay ng psychological first aid at psychosocial support sa mga estudyante, school personnel at mga pamilyang naapektuhan. Patuloy ang imbestigasyon sa mga pangyayari at motibo sa likod ng pamamaril.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page