top of page

Panibagong LPA binabantayan sa loob ng PAR; posibleng maging Tropical Depression


PILIPINAS — Isang panibagong Low Pressure Area (LPA 08i) ang kasalukuyang binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), batay sa monitoring update alas-2:00 ng madaling araw ngayong Agosto 27.

Ang LPA 08i ay may “MEDIUM” o katamtamang posibilidad na lumakas at maging isang Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Patuloy na mino-monitor ang galaw at development ng naturang sama ng panahon para sa anumang posibleng pagbabago sa kondisyon nito.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at update mula sa DOST-PAGASA.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page