top of page

Pasok sa mga tanggapan at klase sa Bulacan, suspendido simula alas-3 ng hapon


BULACAN — Suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lalawigan ng Bulacan simula alas-3:00 ng hapon ngayong Huwebes, Agosto 13.

Ang suspensyon ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 125 kaugnay ng patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Ipinatupad ang suspensyon bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga empleyado, mag-aaral, guro, at publiko habang patuloy na nakararanas ng pag-ulan ang lalawigan.

Pinapayuhan ang mga Bulakenyo na manatiling alerto, mag-ingat sa mga lugar na binabaha, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa mga kinauukulang ahensya at lokal na pamahalaan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page