top of page

PBBM: Hindi ako Pangulo ng aking pamilya


Inihanda na ng Office of the Ombudsman ang mga kaso laban sa ating dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Kasama na rito ang Flood Control Project. Ang dating speaker ay papaalisin na ni BBM dahil sa kanyang mga kasalanan. Ito ay nangyari noong dalawampu't pito (27) ng Hulyo, na ginanap sa Quezon City, Batasan Complex . Para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng ating pangulo.

‎‎“Mga kababayan ko, naririto akong muli upang tuparin ang aking katungkulan at magbigay ng ulat sa inyo tungkol sa estado ng ating bansa at sa mga ginagawa ng inyong pamahalaan,” sambit ni Marcos.

‎‎Tulad nga ng kanyang ipinangako, siya ay tumayo upang ilantad ang katiwalian na nadiskubre noon sa mga flood control projects. Sila ay nag-imbestiga nang maigi at malalim patungkol sa isyu na ito.

‎‎Ayon kay Pangulong Marcos, masusi nilang inimbestigahan ang mga ebidensya; lahat ay kanilang ginawa upang matunton ang puno't dulo ng dahilan nito.

‎‎ Batay sa Ombudsman, malapit na ang paghahain ng patung-patong na kaso laban sa dating Speaker. Masakit man ito sa kanya,  kailangan niyang gawin ang tama.

‎‎“Hindi ako Pangulo ng aking pamilya. Hindi ako ang pangulo ng aking kaibigan,” ayon pa sa Presidente.

‎‎Sa panghuli, sinabi ni Marcos na siya ang Pangulo ng Pilipinas at ang kanyang tungkulin ay para sa kapwa Pilipino.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page