top of page

PDLs sa Pulilan Jail gumagawa ng mga produkto sa livelihood program

Sep 28
1 min read

PULILAN, Bulacan — Patuloy na isinasagawa sa Pulilan Municipal Jail ang livelihood program ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nagbibigay sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng pagkakataong matuto ng kasanayan at magkaroon ng pagkakakitaan habang nasa kustodiya.

Kabilang sa mga produktong ginagawa ng mga PDL ang bayong bags, doormats, potholders, bayong pouches at wallets, gayundin ang sink at refrigerator curtains.

Sa pamamagitan ng programa, nagagamit ng mga PDL ang kanilang natutunang kasanayan upang makagawa ng mga produktong maaaring pagkakitaan at makatulong sa kanilang mga pamilya.

Bahagi ang livelihood activities ng mga programang nakatuon sa rehabilitation at development ng mga PDL upang magkaroon sila ng karagdagang kasanayan at paghahanda para sa kanilang muling pagbabalik sa komunidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page