top of page

Pekeng balita ng pamamaril sa Paaralan sa QC, klase naantala


Nataranta ang mga estudyante ng Bagong Silangan High School sa Quezon City matapos bulabugin ng umano'y putok ng baril ngayong Huwebes, July 2.


Paglilinaw naman ni Barangay Captain Wilfredo Cara, ang malakas na tunog ay mula sa isang bagay na bumagsak sa katabing construction site. Idinagdag pa niya na wala umanong nasaktan sa paaralan, na agad namang sinuportahan ng nasabing paaralan matapos nitong maglahad ng pahayag.


Ipinaliwanag ng paaralan na maling impormasyon ang kumakalat sa Messenger na umano'y pag-atake na kasalukuyan nang iniimbestigahan ng awtoridad.


Dagdag pa rito, iniulat din nila na sa panahong ito, sila'y nagbibigay na ng psychosocial support at mga serbisyong panggabay para sa mga naapektuhang mag-aaral.


Pinayuhan ng Bagong Silangan High School ang publiko na umiwas sa pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon at suriin kung ito ba ay opisyal na anunsyo. Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang paaralan sa mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng maling impormasyon at magsagawa ng kaukulang aksiyon laban sa mga responsable.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page