top of page

Pellet gun, nabisto sa 2 estudyante sa Zamboanga City


Nakumpiskahan ng mga pellet gun ang dalawang estudyanteng junior high school mula sa isang paaralan sa Zamboanga City matapos isumbong ng kapwa estudyante sa pamunuan ng kanilang paaralan.


Ayon sa ulat ng mga mag-aaral na nasa Grade 7 at Grade 8, dinala lamang nila ito upang gawing panangga laban sa mga tambay na umano'y namamaril sa labas ng eskwelahan.

Agad namang nakumpiska ng mga awtoridad ng paaralan ang mga pellet gun. Sinabi ng principal ng paaralan na ngayo'y nasa counseling na ang dalawang mag-aaral kasama na ang kanilang mga magulang.


Ipinaalala na rin ang mahigpit na pagbabawal sa pagdadala ng mga baril o replica nito sa loob ng paaralan upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng bawat isa. Mayroon ding nagbabantay sa labas ng paaralan upang maiwasan ang mga insidente.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page