top of page

PESO Pulilan naglabas ng bagong job vacancies

Sep 29
1 min read


PULILAN, Bulacan — Naglabas ang Public Employment Service Office (PESO) Pulilan ng panibagong listahan ng job opportunities mula sa ilang kumpanyang naghahanap ng mga aplikante.

Kabilang sa mga kumpanyang may available na trabaho ang Elnet Workers OPC, Fisherfarms Inc., Aguila Auto Glass, Home Credit, Rombe Philippines Inc., Jockers Food, at Global Jet Cargo Philippines Inc.

Maaaring isumite ng mga interesadong aplikante ang kanilang resume na naka-PDF format sa peso.dole.pulilan@gmail.com, kalakip sa subject ang posisyong ina-applyan at pangalan ng kumpanya. Dapat gamitin ang buong pangalan ng aplikante bilang filename ng resume.

Maaari ring personal na magtungo sa PESO Pulilan sa Old PUP Building, National Road, Poblacion, Pulilan, Bulacan para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga bakanteng posisyon.

Pinaaalalahanan ang mga aplikante na tiyaking aktibo ang kanilang cellphone number dahil direktang makikipag-ugnayan ang employer sa mga mapipili para sa interview.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page