top of page

PESO Pulilan nakiisa sa 2026 Singkaban Job Fair

Sep 15
1 min read

MALOLOS CITY, Bulacan — Nakiisa ang PESO Pulilan sa 2026 Singkaban Job Fair sa ilalim ng programang Handog ng Pangulo: Trabaho Agad, na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos.

Pinagsama-sama sa aktibidad ang mga naghahanap ng trabaho at mga employer upang mabigyan ang mga Bulakenyo ng pagkakataong makahanap ng angkop na trabaho, magsumite ng aplikasyon at direktang makaugnayan ang mga kumpanyang nangangailangan ng mga manggagawa.

Lumahok ang PESO Pulilan bilang bahagi ng patuloy nitong pagsusulong ng mga programang naglalapit ng employment opportunities sa mga residente ng bayan.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan at pribadong employer, layunin ng PESO Pulilan na makatulong sa paghahanap ng disente at pangmatagalang trabaho at sa pagpapaunlad ng lokal na workforce.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page