top of page

PhilHealth ID, MDR maaari nang kunin sa RHU I ng Pulilan

Sep 9
1 min read

PULILAN, Bulacan — Maaari nang kunin ng mga nakalistang residente ang kanilang PhilHealth ID at Member Data Record (MDR) sa RHU I–Municipal Health Office ng Pulilan.

Ayon sa inilabas na abiso, kinakailangang nakarehistro na sa eGovPH App ang mga kukuha ng kanilang PhilHealth ID o MDR bago magtungo sa RHU I.

Bahagi ang aktibong eGovPH App registration ng proseso para sa mga transaksyon sa RHU I Registered Facility.

Pinapayuhan ang mga nakabilang sa inilabas na listahan na tiyaking aktibo ang kanilang registration sa eGovPH App upang maging maayos at mabilis ang proseso ng pagkuha ng kanilang PhilHealth documents.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page