top of page

PHIVOLCS ibinaba sa magnitude 4.5 ang lindol sa Surigao del Norte


SURIGAO DEL NORTE — Ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa magnitude 4.5 mula sa unang iniulat na magnitude 5.0 ang lindol na yumanig sa katubigan malapit sa Pilar, Surigao del Norte, alas-2:32 ng hapon ngayong Sabado, Agosto 29.

Sa unang impormasyon, iniulat ang episentro ng magnitude 5.0 na lindol sa katubigan malapit sa General Luna. Kalaunan ay nirebisa ng PHIVOLCS ang magnitude at iba pang detalye nito batay sa karagdagang seismic data.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Surigao City, Surigao del Norte, habang Instrumental Intensity I naman ang naitala sa Hinundayan, Southern Leyte.

Sa pinakahuling bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala at aftershocks mula sa magnitude 4.5 na lindol.

Patuloy na pinapayuhan ang publiko na sumubaybay sa mga opisyal na earthquake bulletin ng PHIVOLCS para sa anumang karagdagang pagbabago sa datos.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page