top of page

PHIVOLCS: Pangalawang Minor Phreatomagmatic Eruption Naitala sa Bulkang Taal


Itinala na “second minor phreatomagmatic eruption” ang nangyari sa Bulkang Taal kaninang 8:09 pm hanggang 8:13 pm.


Ayon sa PHIVOLCS, ang bulkan ay naglabas ng mga bugso ng abo at usok na puno ng singaw na umabot sa 2,800 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan.


Ang pangyayari ay umabot sa apat na minuto batay sa seismic, infrasound, at visual observation gamit ang thermal camera. Ang mga kuha ng video ng thermal camera ay mula sa observation station ng thermal camera sa Daang Kastila (VTDK) at Main Crater (VTMC) sa Isla ng Bulkang Taal.


Nananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page