top of page

‘Pilandok’ binabantayan sa loob ng PAR; ‘Saudel,’ LPA 08m nananatili sa labas

Sep 2
1 min read

Patuloy na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Pilandok, ayon sa monitoring ng DOST-PAGASA alas-2:00 ng hapon ngayong Setyembre 2.

Samantala, nananatili sa labas ng PAR ang Tropical Storm Saudel, na dating tinawag na “Obet” habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Binabantayan din sa labas ng PAR ang LPA 08m. Ayon sa PAGASA, mayroon na lamang itong “low” chance na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Sa kabuuan, tatlong weather system ang kasalukuyang mino-monitor—isa sa loob at dalawa sa labas ng PAR.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at advisory ng DOST-PAGASA para sa mga susunod na pagbabago sa mga binabantayang weather system.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page