top of page

‘Pilandok’ lumakas bilang Tropical Storm sa loob ng PAR; tatlo pang weather system binabantayan

Sep 1
1 min read

Lumakas bilang Tropical Storm ang “Pilandok” habang nananatili sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa monitoring ng PAGASA alas-8:00 ng umaga ngayong Martes, Setyembre 1.

Ang Pilandok, na dating binabantayan bilang LPA 08j, ay unang naging Tropical Depression bago tuluyang lumakas bilang Tropical Storm.

Samantala, nananatiling Tropical Storm ang Saudel, na dating tinawag na “Obet” habang nasa loob ng PAR. Patuloy itong binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Humina naman bilang Low Pressure Area (LPA) ang Tropical Depression na dating LPA 08l. Ayon sa PAGASA, “unlikely” o mababa ang posibilidad nitong muling maging tropical cyclone sa loob ng susunod na 24 oras.

Isa pang sama ng panahon, ang LPA 08m, ang binabantayan sa labas ng PAR. Mayroon itong medium chance na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin ng DOST-PAGASA para sa pagbabago sa lakas, galaw at posibleng epekto ng mga binabantayang weather system.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page