top of page

‘Pilandok’ nananatili sa loob ng PAR; ‘Saudel’ muling lumakas bilang Tropical Storm


PILIPINAS — Patuloy na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Pilandok, habang muling lumakas bilang Tropical Storm ang Saudel, na dating tinawag na “Obet,” ayon sa PAGASA ngayong Martes, Setyembre 1.

Batay sa monitoring alas-2:00 ng madaling araw, nananatiling Tropical Depression ang Pilandok, na dating tinutukan bilang LPA 08j bago ito ganap na maging tropical cyclone.

Sa labas naman ng PAR, muling lumakas bilang Tropical Storm ang Saudel. Isa pang tropical cyclone, na dating LPA 08l, ang patuloy na binabantayan at nananatiling Tropical Depression.

Bukod sa tatlong tropical cyclone, mino-monitor din ng PAGASA ang LPA 08m sa labas ng PAR, na may medium chance na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Sa kabuuan, apat na weather system ang kasalukuyang binabantayan ng PAGASA sa loob at labas ng PAR. Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin para sa anumang pagbabago sa kanilang lakas at galaw.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page