top of page

‘Pilandok’ nananatiling Tropical Storm; posibleng lumabas ng PAR Huwebes ng madaling araw

Sep 2
1 min read

Bahagyang bumagal ang Tropical Storm Pilandok (Krovanh) habang kumikilos sa Philippine Sea at nananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas, ayon sa Tropical Cyclone Bulletin No. 12 ng PAGASA alas-5:00 ng umaga ngayong Setyembre 2.

Huling namataan ang sentro ng bagyo alas-4:00 ng umaga sa 1,205 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang maximum sustained winds na 65 km/h at pagbugsong umaabot sa 80 km/h, habang kumikilos east-northeastward sa bilis na 10 km/h.

Wala namang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa anumang bahagi ng bansa. Gayunman, patuloy na magdadala ang Southwest Monsoon o Habagat ng malalakas hanggang gale-force na pagbugso ng hangin sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas at ilang bahagi ng Mindanao hanggang Huwebes, Setyembre 3.

Nakataas din ang Gale Warning sa northern at western seaboards ng Northern Luzon. Posibleng umabot sa 5 metro ang taas ng alon sa ilang baybayin ng Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Babuyan Islands, kaya mapanganib ang paglalayag sa mga apektadong karagatan.

Ayon sa PAGASA, inaasahang mananatiling Tropical Storm ang Pilandok at mananatiling malayo sa Philippine landmass. Posible itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng madaling araw ng Huwebes, Setyembre 3.

Bagama't malayo ang bagyo, pinapayuhan pa rin ang publiko na bantayan ang mga rainfall at weather advisory dahil sa patuloy na epekto ng Habagat, partikular sa mga lugar na madaling bahain at magkaroon ng landslide.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page